Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Subukan

I-upgrade ang iyong QA process sa kakayahang suriin ang progreso sa iyong browser sa isang click lang. Kapag handa ka na, agad na i-push ang mga update.

Subukan ang anumang theme o plugin

Sa Playground, maaari mong subukan ang anumang plugin o theme. Gamitin ang Query API upang mabilis na i-load ang anumang plugin o theme na naka-publish sa direktoryo ng wordpress.org na mga plugin at theme.

Halimbawa, ang sumusunod na link ay maglo-load ng “pendant” theme at ang “gutenberg” plugin sa isang Playground instance:

https://playground.wordpress.net/?theme=pendant&plugin=gutenberg

Ngunit maaari ka ring magsubok ng mas komplikadong mga konfigurasyon gamit ang blueprints, halimbawa pagsubok ng code ng plugin mula sa isang gist (tingnan ang blueprint at live demo).

Live preview ng pull requests

Ang pagsusuri ng pull requests ay isa sa mga pinakakapana-panabik na use case para sa proyekto ng Playground. Sa Playground, maaari mong paganahin ang Live preview link sa bawat Pull Request ng isang WordPress-related na proyekto sa GitHub upang makita agad ng mga developer ang epekto ng code sa Pull Request na iyon. Basahin pa tungkol dito sa Preview WordPress Core Pull Requests with Playground.

May ilang pampublikong implementasyon ng use case na ito tulad ng WordPress Core PR previewer at Gutenberg PR previewer. Maaaring ilagay ng user ang PR number o URL upang ire-direct sa isang WordPress instance, na pinapagana ng Playground, kung saan naiaaplay ang mga pagbabago mula sa PR.

Ang GitHub actions tulad ng WP Playground PR Preview ay nagpapahintulot sa iyo na magdagdag ng PR previews na pinapagana ng WP Playground sa anumang repository. Halimbawa, na-enable ito sa repositoryong WordPress/twentytwentyfive.

I-clone ang iyong site at mag-eksperimento sa isang pribadong sandbox

Sa pamamagitan ng plugin na Sandbox Site powered by Playground, maaari kang lumikha ng pribadong WordPress Playground na kopya ng iyong site upang ligtas na subukan ang mga plugin o gumawa ng anumang iba pang eksperimento sa kopya ng iyong site nang hindi nag-a-upload ng anumang data sa cloud at hindi naaapektuhan ang orihinal na site.

Subukan ang iba't ibang bersyon ng WordPress at PHP

Sa Playground, maaari mong mabilis na subukan ang anumang major na bersyon ng WordPress o PHP sa pamamagitan ng pag-customize ng mga setting nito o paggamit ng custom blueprint na may property na preferredVersions.

Halimbawa, maaari mong lagiang subukan ang pinakabagong development version ng WordPress, na tinatawag ding Beta Nightly, mula sa link na ito: https://playground.wordpress.net/?wp=nightly

Sa panahon ng Beta ng anumang WordPress release, maaari mo ring subukan ang pinakabagong WordPress Beta o RC na release kasama ang theme test data at debugging plugins (tingnan ang blueprint at live demo).

Maaari mo ring i-load ang anumang theme, plugin, o konigurasyon sa anumang available na bersyon ng WordPress at PHP upang suriin kung paano ito gumagana sa environment na iyon.

Ang WordPress Playground: the ultimate learning, testing, & teaching tool for WordPress ay nagbibigay ng mahusay na overview ng mga posibilidad sa pagsusuri gamit ang Playground.