Lumaktaw patungo sa pangunahing content

Paano mag-load at patakbuhin ang mga Blueprint

URL fragment

Ang pinakamabilis na paraan para patakbuhin ang mga Blueprint ay i-paste ang isa sa URL "fragment" ng WordPress Playground website. Magdagdag lang ng # pagkatapos ng .net/.

Sabihin nating gusto mong gumawa ng Playground na may specific na mga version ng WordPress at PHP gamit ang sumusunod na Blueprint:

{
"$schema": "https://playground.wordpress.net/blueprint-schema.json",
"preferredVersions": {
"php": "8.3",
"wp": "5.9"
}
}

Para patakbuhin ito, pumunta sa https://playground.wordpress.net/#{"preferredVersions": {"php":"8.3", "wp":"5.9"}}. Maaari mo ring gamitin ang button sa ibaba:

   Run Blueprint   

Gamitin ang method na ito para patakbuhin ang example code sa susunod na chapter, Gumawa ng unang Blueprint.

Base64 encoded na mga Blueprint

Ang ilang tool, kasama ang GitHub, ay maaaring hindi ma-format nang tama ang Blueprint kapag na-paste sa URL. Sa ganitong mga kaso, i-encode ang iyong Blueprint sa Base64 at i-append ito sa URL. Halimbawa, iyon ang Blueprint sa itaas sa Base64 format: eyJwcmVmZXJyZWRWZXJzaW9ucyI6IHsicGhwIjoiNy40IiwgIndwIjoiNS45In19.

Para patakbuhin ito, pumunta sa https://playground.wordpress.net/#eyJwcmVmZXJyZWRWZXJzaW9ucyI6IHsicGhwIjoiNy40IiwgIndwIjoiNS45In19

Mag-load ng Blueprint mula sa URL

Kapag ang iyong Blueprint ay naging masyadong malaki, maaari mong i-load ito sa pamamagitan ng ?blueprint-url query parameter sa URL, tulad nito:

https://playground.wordpress.net/?blueprint-url=https://raw.githubusercontent.com/wordpress/blueprints/trunk/blueprints/latest-gutenberg/blueprint.json

Tandaan na ang Blueprint ay dapat na publicly accessible at na-serve gamit ang tamang Access-Control-Allow-Origin header:

Access-Control-Allow-Origin: *